Palitaw
FILIPINO Oct. 14, 2020 Mga Sangkap 1/2 salop na galapong 1/2 tasa asukal na pula 1 niyog, kinudkod 1/4 tasa linga, binusa Paraan ng Pagluluto: 1. Ilagay ang Glutinous Rice Powder sa isang bowl. 2. Unti-unting lagyan ito ng malamig na tubig habang hinahalo. Dapat ay yung tama lang ang lambot ng galapong. 3. Habang ginagawa ang #2, magpakulo na ng tubig sa isang kaserola. 4. Kumuha ng kapirason galapong at bilugin sa kamay at saka i-press para lumapad. 5. Ihulog ito sa kumukulong tubig at hintaying lumutang. 6. Kapag lumutang na hanguin ito sa isang lalagyan 7. I-gulong ang nilutong palitaw sa kinayod na niyog. 8. Lagyan ng pinaghalong asukal at sinangang na linga sa ibabaw Maaring ihain ng mainit o malamig.